Month: February 2022
-

Pagbati sa mga KaLIRA na nakasama sa Isyu 4 ng TLDTD Journal
Pagbati sa ating mga KaLIRA na sina Ralph Fonte, Francisco Rey A. Monteseña, at Edgar Calabia Samar sa pagkakasama ng kanilang mga tula sa bagong isyu, Isyu 4, ng TLDTD Journal.
-

Pagbati sa mga KaLIRA na nakasama sa bagong edisyon ng Servant Leader: Leni Robredo
Pagbati sa ating mga kaLIRA na sina Francisco Rey A. Monteseña at Lauren Angela Chua na nakasama ang mga tula sa bagong edisyon ng Servant Leader: Leni Robredo.
-

Pagbati sa ating KaLIRA na si Cristobal Alipio
Pagbati sa ating kaLIRA na si Cristobal Alipio sa pagkakatanghal bilang kampeon sa Ikalawang Gawad Lazaro Francisco para sa Tula.
-

Pagbati sa ating KaLIRA na si Dok Joti Tabula
Pagbati kay Dr. Joey “Joti” Tabula, ang kasalukuyang pangulo ng samahang LIRA, dahil nakasama ang kaniyang tula sa antolohiyang Harvest Moon. Sa mga interesado sa aklat, maaari po ninyong bisitahin ang link na ito: https://agamagenda.com/harvest-moon/?fbclid=IwAR1nJk2vlCOTz1HJfIaS_4c_oZZPzsrGD9OS39aT0VlONc_MVOxDl9nNw2Q
-

Panawagan para sa mga tulang Filipino na may paksang LENI AT LIPUNAN
Gusto mo bang magkaroon ng ambag?Makilahok na at magpasa! Maaaring ipadala ang mga tulang pasók sa paksang Leni at Lipunan sa mgatulangkakampink@gmail.com. Ang mga mapipiling akda ay magiging bahagi ng antolohiya na ang magsisilbing editor ay ang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan, Virgilio Almario na kilala rin bilang ang makatang Rio Alma. Ang deadline…
-

Tumula Tayo! 2022, bukas na sa mga lahok
Ang TUMULA TAYO ay isang online na timpalak sa pagsulat ng katutubong tula (Diyóna, Dalít, o Tanagà) na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino, sa Buwan ng Panitikan. Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng UNESCO International Decade of the Indigenous Languages (2022-2032) na nakaangkla sa Deklarasyon ng Los Pinos (Los Pinos Declaration) na nagtataguyod…
-

Mga KaLIRA sa 100 Pink Poems para kay Leni
Pagbati sa mga kaLIRAng nakasama sa 100 Pink Poems para kay Leni: Rio AlmaRomulo P. Baquiran, Jr.Michael M. CorozaManuel AbisDakila CutabAnna Liza GasparEdgar Calabia SamarLee SepeBeverly W. SiyJoti TabulaTala Tanigue Ayon sa likod na pabalat ng aklat na ito, ang 100 Pink Poems para kay Leni ay “ang ambag ng mga makata ngayong kasalukuyang nalilikha…
-

Panawagan para sa DAANG BAKAL
Ang Daang Bakal ay isang proyektong antolohiya ng mga kuwento at personal na sanaysay na pumapaksa at tumatalakay sa mga danas panlipunan kaugnay ng tren at industriya ng daangbakal sa Pilipinas (PNR, LRT, MRT, trams, at iba pa). Pinagtutuunan ng kaukulang pansin ng antolohiya ang malawak at salasalabid na usapin sa kasaysayan at kalagayan ng…
-

KoroNasyon: Pagkatha sa Pandemya
Panawagan sa kontribusyon ng mga katha (kwento, personal na sanaysay, serye ng dagli, journal entries, at iba pa) sa Filipino, Ingles, at salin sa Ingles o Filipino kung nasa ibang wika KoroNasyon: Pagkatha sa PandemyaMga editor: Rolando Tolentino at Rommel B. Rodriguez Panahon na para sa napapanahong paglalagom ng ating naranasan sa pandemikong lockdown. Paano…
-

Panawagan para sa ENTRADA VIII
Ang Sentro para sa Malikhaing Pagsulat at Sentro para sa Araling Pangwika at Pampanitikan ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ay kasalukuyan nang tumatanggap ng malikhaing mga akda at mga pananaliksik pampanitikan para sa ikawalong isyu ng Entrada Journal para sa taong 2022. Ang Entrada Journal ay ang natatanging pampanitikang journal ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas…
