Panawagan para sa ENTRADA VIII

Ang Sentro para sa Malikhaing Pagsulat at Sentro para sa Araling Pangwika at Pampanitikan ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ay kasalukuyan nang tumatanggap ng malikhaing mga akda at mga pananaliksik pampanitikan para sa ikawalong isyu ng Entrada Journal para sa taong 2022.

Ang Entrada Journal ay ang natatanging pampanitikang journal ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na nagsimulang makapaglathala noong 2014 at nakapaglabas na ng limang isyu. Lunan at tagpuan ang Entrada para sa mga bago at batikang manunulat at mananaliksik upang hamunin ang mga posibilidad ng kaalaman, pagkatha at pagkamalikhain. Dumadaan ang mga akdang isinumite sa pagtatasa ng lupon ng mga editor nito at sa masusing proseso ng ‘double blind refereeing’ na kinabibilangan ng mga respetadong iskolar at manunulat sa loob at labas ng bansa.

Walang kaukulang tema ang bawat isyu na inilalabas ng Entrada Journal. Bukas ito sa anumang mga paksain at usapin. Gayunman, tinatanganan ng bawat isyu ng Entrada Journal ang pagpapasulpot ng mga akda at pananaliksik na may matalas na kamalayang panlipunan kasabay ng makabuluhan at masining na pamamaraan ng pag-aakda.

PANUNTUNAN

1. Tumatanggap ang Entrada ng mga akda na nakasulat sa Filipino at Ingles, gayundin ng mga akdang nakasulat sa mga rehiyunal na wika kalakip ang mga salin sa Filipino o Ingles.

2. Ang mga sumusunod na genre ay tinatanggap ng Entrada bagamat hindi nakakulong o limitado lamang sa mga ito. Maaaring magpasa ng mga akdnag sumusubok o lumalampas sa kategorisasyon ng mga sumusunod:

• Maikling kuwento, mga dagli (tatlo hanggang lima), malikhaing sanaysay (personal na sanaysay, memoir o mga katulad)
• Isang mahabang tula o koleksyon ng hindi bababa sa tatlo at lalagpas sa limang mga tula
• Kritikal na mga artikulo/sanaysay ukol sa panitikan at malikhaing pagsulat
• Bahagi mula sa graphic novels, o isang buong graphic short story• Bahagi o tsapter ng isang binubuong nobela
• Dula na may isang yugto

3. Ang maikling kuwento, dagli at malikhaing sanaysay ay naglalaman ng 15 hanggang 25 pahina, sa 8.5×11 na sukat ng papel, isang pulgadang margin sa lahat ng gilid, double spaced, 12 font size at maaaring nasa Times New Roman o Arial. Ang mga ipapasang malikhaing akda sa mga genre na ito ay kinakailangang lakipan ng tatlo hanggang limang pahina ng poetika na nagpapaliwanag sa proseso ng paglikha sa ipinasang akda.

4. Ang kritikal na artikulo/sanaysay ay naglalaman ng 15 hanggang 25 pahina, sa 8.5×11 na sukat ng papel, isang pulgadang margin sa lahat ng gilid, double spaced, 12 font size at maaaring nasa Times New Roman o Arial at gumagamit ng MLA Citation. Lakipan ang artikulo/sanaysay ng abstrak.

5. Lahat ng ipapasang malikhaing akda at pananaliksik ay kinakailangang orihinal at hindi pa naipapasa at nailalathala sa alinmang publikasyon.

6. Lakip ng ipapasang malikhaing akda at pananaliksik ang pormularyo at katunayan ng orihinalidad gayundin ng maikling pagpapakilala sa sarili na hindi hihigit sa limang pangungusap. Maaaring makuha rito ang pormularyo at katunayan ng orihinalidad: https://docs.google.com/…/1O7xPgfJMBxknZ05rGvqP…/edit…

7. Ipasa ang mga akda sa entrada@pup.edu.ph gamit ang mga sumusunod na subject: [Wika], [Genre], [Pamagat], [Apelyido ng may-akda]. Halimbawa: Filipino, Maikling Kuwento, Isang Araw, Dela Cruz. Ang mga ipapasang attachment ay kailangang nasa file format na .doc o .docx.

8. Ang huling araw ng pagpapasa ay Marso 31, 2021.

Para sa karagdagang mga tanong, maaaring makipag-ugnayan sa entrada@pup.edu.ph.