Ginugunita natin tuwing ika-16 ng Abril ang kamatayan ni Emilio Jacinto, ang patron ng LIRA.
Isinilang siya sa Tondo, Maynila noong 15 Disyembre 1875. Umanib siya sa edad na 19 sa Katipunan na itinatag ni Andres Bonifacio, kung saan kinilala siya bilang si Pingkian.
Si Jacinto ang sumulat ng Kartilya ng Katipunan, naging tagapayo ni Bonifacio, at binansagang utak ng samahan. Mapanghikayat din siya sa pagpaparami ng kasapi ang kanyang panulat sa pahayagan ng Katipunan, ang Kalayaan.
Namatay si Jacinto sa sakit na malaria noong 16 Abril 1899 sa Laguna, sa edad na 23.
Sa napakaikli niyang buhay ay umukit ng puwang sa kasaysayan ang kabayanihan at kahusayan ni Jacinto. Marapat lámang na kilalahin at bigyang parangal siya tulad nina Rizal at Bonifacio.
___
Mula ang larawan ni Jacinto sa https://www.pinoystop.org/

