“Dahil Umiibig” Ni Adelma Salvador para sa Ikalawang Lila

Sa paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan, magsisimula ang LIRA ng serye ng mga bidyo ng mga Makatang Lila. Babasahin nila ang isa sa kanilang mga tula na kasama sa Ikalawang Lila, antolohiya ng mga tula ng babaeng makata ng LIRA. Una na rito, ang tulang “Dahil Umiibig” ni Adelma Libunao-Savador.

Si Adelma Salvador ay isinilang at lumaki sa San Miguel, Bulacan. Miyembro si Ka Ade ng UMPIL at LIRA. Pinarangalan ang kaniyang mga akda sa Carlos Palanca Memorial Awards at Talaang Ginto-Makata ng Taon. Finalist ang kaniyang unang librong “Silat” sa Madrigal Gonzales Best First Book Award. Sa ngayon ay naglilingkod siya bilang Accounting Manager ng isang construction company sa Laguna.

Sa pamamatnugot ni Grace Bengco, tampok sa ikalawang Lila ang danas at haraya ng 21 makata at isang renga na isinulat ng 16 makata noong kasagsagan ng mga lockdown dahil sa pandemya. Ang proyektong ito ay kolaborasyon ng LIRA kasama ang SPARK Philippines o Samahan ng mga Pilipina para sa Reporma at Kaunlaran, sa tulong ng U.S. Embassy in the Philippines at ng Embassy of France to the Philippines and Micronesia.

Abangan ang lunsad-aklat sa Marso 31.

Ito po ang link sa FB page ng bidyo ng “Dahil Umiibig” ni Adelma Libunao-Salvador: https://www.facebook.com/watch/?v=2522979674522515&extid