Ang Kababaihan sa Panahon ng Krisis

Bilang bahagi ng pagdiriwang ngayong Pambansang Buwan ng Kababaihan, inihahandog ng LIRA ang isang talakayan at pagtatanghal ng mga tula sa Asian Institute of Management ngayong Marso 17.

Magtatanghal ng mga tula ang ilan sa mga bagong kasapi ng LIRA na sina Niccolo Rocamora Vitug, Kyla Marcellana, at Layon.

Habang tatalakayin ni Abner Dormiendo kung paanong ginagalugad ng pagtula ang danas ng tao, habang si Anna Liza Gaspar naman ang magsasalita kung paanong dinaranas ng kababaihan ang krisis sa kaniyang sarili at lipunan.

Magsisilbing tapagpadaloy ng programa naman si Mia Lauengco.

Libre at bukás sa publiko ang pagdalo!