Sa ikalawang bahagi ng serye ng mga bidyo ng mga Makatang Lila, babasahin ni Natali Pardo-Labang ang tulang “Hindi Lahat ng Lumilisan ay Nawawala”. Mababasa ito sa Ikalawang Lila, antolohiya ng mga tula ng babaeng makata ng LIRA at sa kanyang zine na “Halaga”.
Si Natalie Pardo-Labang ay tubong Camarines Norte. Nagtapos siya ng Communication Arts sa UP Los Baños, Bachelor of Law sa Philippine Law School, at Master in Public Management sa UP Open University. Kasalukuyan niyang binubuno ang kursong Doctor of Communication sa UPOU. Kasapi si Nat ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo.
Sa pamamatnugot ni Grace Bengco, tampok sa ikalawang Lila ang danas at haraya ng 21 makata at isang renga na isinulat ng 16 makata noong kasagsagan ng mga lockdown dahil sa pandemya. Ang proyektong ito ay kolaborasyon ng LIRA kasama ang SPARK Philippines o Samahan ng mga Pilipina para sa Reporma at Kaunlaran, sa tulong ng U.S. Embassy in the Philippines at ng Embassy of France to the Philippines and Micronesia.
Abangan ang lunsad-aklat sa Marso 31.
Ito po ang link sa pagbasa ng tulang ni “Hindi Lahat ng Lumilisan ay Nawawala” ni Natali Pardo-Labang: https://www.facebook.com/PalihangLIRA/videos/747567640111680



