Sa paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Tula kasabay ng Buwan ng Kababaihan, inanyayahan ng UNESCO National Commission of the Philippines (UNACOM), sa pakikipagtulungan ng Department of Foreign Affairs, Republic of the Philippines (DFA) – Office for Public Diplomacy and Culture (OPCD) at Provincial Government of Pangasinan ang LIRA upang magtanghal sa kanilang programang “Legacy and Statement: Weaving Stanzas, Weaves in Stanzas.”
Ang layon ng programang ito ay maipakilala ang iba’t ibang ambag ng kababaihan sa larangan ng sining at panitikan. Babasahin dito ni Marites Rogado ang kanyang tulang “Sestina ng Pluma ni Leona Florentino” na kasama rin sa kanyang ilulunsad na zine sa Marso 31.
Si Marites R. Rogado ay isinilang at lumaki sa Luisiana, Laguna. Kasapi siya sa Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA), at KATAGA. Premyadong manunulat ng kuwentong pambata. Ang kanyang Prince of the Cranes ay ginawaran ng gantimpala sa Lampara Children’s Story Writing Contest. May-akda siya ng Kissing Lips na librong pambata tungkol sa origami.

