Abangan ang mga tula ni Agatha Buensalida sa Lunsad-Aklat ng Ikalawang Lila

Mababasa ang kabuoan ng tulang “Mga Anino sa Gubat” sa zine na “Babae sa Babae” ni Agatha Buensalida. Abangan ang Lunsad-Aklat sa Marso 31!

Nakatira sa Santa Maria, Bulacan, si Agatha Buensalida ay isa sa mga kasapi ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA). Naging writing fellow siya sa LIRA Poetry Clinic, UST National Writers Workshop, Cavite Young Writers Online Workshop, Akdaan 2023, at sa darating na 22nd IYAS National Writers Workshop sa Abril. Ang kanyang mga tula ay mababasa sa mga antolohiyang Baga at Lila: Mga Tula, sa unang isyu ng TLDTD, at sa UBOD 2020, antolohiyang inilathala ng NCCA. Kasama rin ang dalawa niyang ecopoetry sa kalulunsad lang na Ikalawang Lila, antolohiya ng mga tula ng babaeng makata ng LIRA. Kasalukuyan siyang iskolar ng De La Salle University – Manila at kumukuha ng kursong Master of Fine Arts in Creative Writing. Bukod sa pagbabalik-eskwela, abalá siya sa pagiging content editor sa isang advertising company na nakabase sa Estados Unidos.

Ang proyektong ito ay kolaborasyon ng LIRA kasama ang SPARK Philippines o Samahan ng mga Pilipina para sa Reporma at Kaunlaran, sa tulong ng U.S. Embassy in the Philippines at ng Embassy of France to the Philippines and Micronesia.