Sa ikatlong bahagi ng serye ng mga bidyo ng mga Makatang Lila, babasahin ni Agatha Buensalida ang tulang “Utos ng Upos”. Mababasa ito sa Ikalawang Lila, antolohiya ng mga tula ng babaeng makata ng LIRA.
Nakatira sa Santa Maria, Bulacan, si Agatha Buensalida ay isa sa mga kasapi ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA). Naging writing fellow siya sa LIRA Poetry Clinic, UST National Writers Workshop, Cavite Young Writers Online Workshop, Akdaan 2023, at sa darating na 22nd IYAS National Writers Workshop sa Abril. Ang kanyang mga tula ay mababasa sa mga antolohiyang Baga at Lila: Mga Tula, sa unang isyu ng TLDTD, at sa UBOD 2020, antolohiyang inilathala ng NCCA. Kasama rin ang dalawa niyang ecopoetry sa kalulunsad lang na Ikalawang Lila, antolohiya ng mga tula ng babaeng makata ng LIRA. Kasalukuyan siyang iskolar ng De La Salle University – Manila at kumukuha ng kursong Master of Fine Arts in Creative Writing. Bukod sa pagbabalik-eskwela, abalá siya sa pagiging content editor sa isang advertising company na nakabase sa Estados Unidos.
Matutunghayan ang tulang “Utos ng Upos” ni Agatha Buensalida sa link na ito: https://www.facebook.com/PalihangLIRA/videos/208935568403566/
Sa pamamatnugot ni Grace Bengco, tampok sa ikalawang Lila ang danas at haraya ng 21 makata at isang renga na isinulat ng 16 makata noong kasagsagan ng mga lockdown dahil sa pandemya. Ang proyektong ito ay kolaborasyon ng LIRA kasama ang SPARK Philippines o Samahan ng mga Pilipina para sa Reporma at Kaunlaran, sa tulong ng U.S. Embassy in the Philippines at ng Embassy of France to the Philippines and Micronesia.
Abangan ang lunsad-aklat sa Marso 31.



