Lila: ikalawang Aklat ng mga Tula mula sa mga babaeng kasapi ng LIRA

Nais naming imbitahan ang lahat sa paglulunsad ng Lila: ikalawang Aklat ng mga Tula mula sa mga babaeng kasapi ng LIRA.

Gaganapin ang lunsad-aklat sa Marso 31, Biyernes, 2-4nh sa Tanghalang Ignacio Gimenez bilang bahagi ng Performatura Festival 2023.

Ang proyektong ito ay kolaborasyon ng LIRA kasama ang SPARK Philippines o Samahan ng mga Pilipina para sa Reporma at Kaunlaran, sa tulong ng U.S. Embassy in the Philippines at ng Embassy of France to the Philippines and Micronesia.