Lila ang Kulay ng Marso

Nagkulay Lila ang LIRA noong nagdaang Marso sa paggunita sa Pambansang Buwan ng Kababaihan!

Nagsimula ito sa pagtalakay sa paksang ‘Kababaihan sa Panahon ng Krisis’ sa Asian Institute of Management noong Marso 17.

Kasunod naman ay ang pagkakaroon ng kinatawan ng LIRA sa Legacies and Statement: Weaving Stanzas, Weaves in Stanzas noong Marso 27. Ang pangyayaring ito ay inorganisa ng DFA Office of Public and Cultural Diplomacy Division sa pakikipagtulungan ng UNESCO National Commission of the Philippines of the Philippines (UNACOM) at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan.

Matagumpay ding inilunsad ng mga babaeng kasapi ng LIRA ang kanilang ikalawang koleksiyon ng mga tula, sabay sa huling araw ng Pambansang Buwan ng mga Kababaihan. Tampok sa aklat ang kani-kanilang mga bagong likha at isang piyesa na binuo nang magkakatuwang. Inilunsad din sa pagtitipon ang mga zine ng ilang Makatang Lila.

Ginanap sa Tanghalang Ignacio Gimenez bilang bahagi ng Performatura Festival 2023 ngayong hapon, ang proyektong ito ay kolaborasyon ng LIRA kasama ang SPARK Philippines o Samahan ng mga Pilipina para sa Reporma at Kaunlaran, sa tulong ng U.S. Embassy in the Philippines at ng Embassy of France to the Philippines and Micronesia.