Anunsiyo ukol sa Palihang LIRA 2023

Ikinagagalak naming imbitahan ang lahat sa pagbubukas ng Palihang LIRA ngayong taong 2023!

Isasagawa ang Palihan sa ilalim ng mga sumusunod na panuto:

1. Magiging hybrid ang palihan, at gaganapin ito bawat Sabado mula Hunyo hanggang Disyembre 2023.

2. Bubuksan ang palihan sa mga tumutula sa Filipino mula sa iba’t ibang bahagi ng Filipinas at ng mundo na maaaring makadalo sa online na anyo nito.

3. Upang masiguro ang kalidad ng palihan, limitado lamang ang slot para sa mga kalahok ngayong taon.

Kaugnay nito, muli naming binubuksan ang aplikasyon para sa mga interesadong aplikante. Mangyari lamang na magpasa ng mga sumusunod:

1. Application Form, bit.ly/PL2023Aplikasyon, na may Mga Talâ para sa Fellow at detalye ng pakikipag-ugnayan (address, email address, telepono);

2. Limang (5) tula sa Filipino (hindi tatanggap ng mga tulang nakasulat sa Ingles at iba pang wika).

Ang hulíng araw ng pagsagot sa form ay sa 30 Abril 2022.

Ang workshop fee ay isang libo at limandaang piso (Php1,500), na gagamitin para sa mga babasahín at iba pang kakailanganin ng mga fellow sa workshop. Bago ang unang araw ng palihan, kailangang magbayad ng Php500 bilang paunang bayad.

Para sa iba pang impormasyon, mangyaring basahin ang Mga Tanong at Sagot hinggil sa Palihang LIRA: http://bit.ly/2FLPXuU.

Ang Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) ay samahan ng mga makatang nagsusulat sa Filipino. Itinatag ito noong 1985 ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario, ang makatang Rio Alma, na siya ring nananatiling punòng guro ng palihan.