Premyong LIRA 2023

Tinatawagan ang mga kapita-pitagang makata ng bayan!

Ilabas na ang mga natatagong tula o simulan nang bumuo ng isang koleksiyon na may 10 hanggang 15 tula, at ipadala ito sa gawadlira@gmail.com hanggang 31 Agosto 2023.

Maaaring ikaw na ang gawaran ng pagkilala at premyong aabot sa PhP 15,000!

Basahin ang mga tuntunin sa mga larawan sa ibaba upang malaman ang paraan ng pagsali.

Narito ang Entri Form na ilalakip sa email.

Ang PREMYONG LIRA 2023 ay naglalayong bigyan ng pagkakataon ang mga makata sa wikang Filipino na maipamalas ang kanilang galing sa pagtula at mabigyan sila ng pagkilala at parangal. Layon din nitong itaguyod at paunlarin pa ang panulaang Filipino.