Librong LIRA sa Philippine Book Festival

Nása Philippine Book Festival ang Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo! 👀📚 Kasama ang Librong LIRA sa booth ng The Indie Publishers Collab PH! ✨

Sa ika-3 ng Hunyo 2023 mula 12:00 nh hanggang 1:00 nh, makakasáma natin si Dr. Joey Tabula, Pangulo ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo at patnugot ng Pintanaga, para sa isang book signing event sa booth ng The Indie Publishers Collab PH

At sa parehong petsa, mula 1:00 nh hanggang 2:00 nh, makakasama natin sina En Villasis at ang mga Makatang Lila para sa isang book signing event sa booth mismo. ✍🏻

Mabibili rin ang ibang aklat na inilathala ng Librong LIRA, kayâ tara na at magkita-kita táyo sa #PHBookFestival! Sa World Trade Center, Lungsod Pasay, Hunyo 2-4! 🎉

LIBRE ang registration online: www.philippinebookfest.com o pumunta sa on-site Registration Booth.