Nasa larawan, Mula sa kaliwa; mga makatang sina Adelma Salvador, Paul Alcoseba Castillo, Luna Sicat-Cleto, Joey Baquiran at Alpine Moldez. (Mula sa Facebook ni Alpine Moldez)
Apat na mga makatang kasapi ng Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA) tumanggap ng parangal sa Gawad SWF na ginanap noon ika-30 ng Agosto, 2023 sa Asian Institute of Tourism sa University of the Philippines – Diliman.
Ang Gawad SWF ay pagkilala sa pinakamahuhusayy na akdang inilathala sa Agos Journal na inilalathala ng SWF (Sentro ng Wikang Filipino) . Ang mga makatang pinarangalan ay sina Alpine Moldez, Adelma Salvador, Paul Alcoseba Castillo at Luna Sicat-Cleto.
Kinilala bilang pinakamahusay na akda para sa kategoryang Dagli ang “Adobo” ni Moldez, habang finalist naman sa kategoryang Tula ang “Tungkung Langit” at “Ulysses” ni Castillo. Finalist din sa kategoryang Sanaysay ang “Kawit-ang-Palakol” ni Salvador. Ginawaran naman ng Pagkilalang Hurado sa Dula ang “Huni at Pakpak” ni Sicat-Cleto.





