Inilunsad noong ika-2 ng Disyembre, 2023 ang aklat na “Lemlunay: Pagunita sa Gunita/Reminder for Memory,” ang bagong antolohiya ng tula ni Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Virgilio S. Almario (Rio Alma) na may salin sa Ingles ni Marne L. Kilates. Idinaos ito sa Gimenez Gallery, UP Diliman, Lungsod Quezon.
Ang proyektong ito ay itinaguyod ng National Commission for Culture and the Arts, Opisina ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda, Filipinas Institute of Translation (FIT), at ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA).

