Apat na mga makata ang kinilala bilang finalists sa taunang Premyong LIRA, sina Redwin Dob, Miguel Paolo Celestial, Enriko Caramat at Ralph Lorenz Fonte.
Nakatakdang kilalanin ang magwawagi sa ika-15 ng Disyembre, 2023.
Ang Premyong LIRA 2023 ay naglalayong bigyan ng pagkakataon ang mga makata sa wikang Filipino na maipamalas ang kanilang galing sa pagtula at mabigyan sila ng pagkilala at parangal. Layon din nitong itaguyod at paunlarin pa ang panulaang Filipino.

