Batch Habol, nagtapós sa Palihang LIRA

Ginanap noong ika-8 ng Disyembre sa Sagul Food Park, Quezon City ang pagtatapós ng Palihang LIRA ngayong 2023 para sa Batch 38 ng taunang palihan. Inilunsad din sa naturang pagtitipon ang “Habol: Hubog at Hulagway,” ang aklat na binuo ng mga nagsipagtapos.

Labing-anim na fellows, na tinaguriang “Batch Habol,” ang nagtapós sa anim na buwang palihan na itinaguyod ng LIRA. Sila ay sina John Rafael M. Alcantara, Andro Guzman Blancada, Mikka Ann V. Cabangon, Miguel Paolo Celestial, Felicisimo Galletes Jr., Al Jeffrey Gonzales, Renan Gozon, Istanli Gullab, J.E. Inojosa, Christine Marie Lim Magpile, Marvin O. Marquez, Eunice Pacifico, Josephine Deles Prudenciado, Kirk Ramos, Jopie Sanchez, at Kim Unidad.

Nagkaroon ng pagbabasá ng mga tula at pagtatanghal ang mga fellows. Nagbahagi rin ng mensahe si Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Virgilio S. Almario.