Matagumpay na inilunsad noong ika-27 ng Abril, 2024 ang aklat na “Ang Nalalabi Rito” ni Nikka Osorio Abeleda sa ginanap na buwanang pagtitipong Lirahan sa Masukal Bistro, Lungsod Quezon.
Naging tampok din sa pagtitipon ang pagtatanghal nina Jomar Empaynado, JC Gloria, Jika Regala, Maki Lim, Paulo Anayan, Sharmaine Hernandez, at Yol Jamendang sa kanilang pagtatanghal ng mga piyesa mula sa “Ang Nalalabi Rito.”
Ito ang pinakaunang aklat ng Librong Lira na inilathala at inilunsad ngayong 2024.











