Bukás na para sa mga lahok ang Premyong LIRA 2024!
Basahin ang mga tuntunin sa ibaba upang malaman ang paraan ng pagsali:
1. Bukás ang timpalak sa lahat, kasapi man o hindi ng LIRA (Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo), maliban sa Board of Trustees ng samahang ito.
2. Ang ipapásang lahok ay isang koleksiyong may sampu (10) hanggang labinlimang (15) tula. Kailangang may pamagat ang ipapásang koleksiyon.
3. Maaaring magpása ng mga tulang may malayang taludturan, may tugma at sukat, o kombinasyon.
4. Malayang pumili ng anumang paksa, ngunit hinihikayat na magpása ng mga tulang tumatalakay sa mga usaping panlipunan.
5. Kailangang orihinal at nasusulat sa Filipino ang lahok:
(a) Dapat hindi pa naipása sa ibang timpalak ngayong taon, hindi pa nagwagi sa alinmang timpalak noong mga nakaraang taon, at hindi pa nailathala ang alinman sa mga tula at/o koleksiyon sa kahit anong paraan.
(b) Hindi rin maaaring ipása ang salin ng tulang nailathala na, naipása na sa ibang timpalak ngayong taon, o nagwagi na sa alinmang timpalak noong mga nakaraang taon.
6. Ilakip sa pormularyong ito ang sumusunod:
(a) Ang lahok ay dapat na naka-PDF (Portable Document Format). Gamitin ang font na Arial at font size na 12. Single-spaced. A4 ang sukat ng papel at may palugit na isang (1) pulgada sa itaas, ibaba, at mga gilid.
(b) Pamagat at sagisag-panulat (pen name) lang ang nasa filename ng PDF.
(c) Huwag maglagay ng anumang pahiwatig ng tunay na pangalan o pagkakakilanlan ng kalahok sa sagisag-panulat.
(d) Pirmadong sertipikasyon ng orihinalidad ng may-akda para sa kaniyang ipinásang lahok. Hindi kailangang notarisado.
(e) Bionote ng may-akda na hindi hihigit sa limang pangungusap.
7. Ang huling araw ng pagsusumite ng lahok ay sa 31 Agosto 2024, 11:59 ng. Ang mga lahok na isusumite pagkatapos ng deadline ay hindi na tatanggapin.
8. Makatatanggap ng email mula sa komite ang mga magpapása ng lahok bilang kumpirmasyon. Awtomatikong deskalipikado ang mga lahok na kulang ang dokumento o hindi nakasunod sa tuntunin. Ang mga matatanggap na lahok ay inaasahang kompleto at tapos. Hindi tatanggapin ang anumang rebisyon sa panahon ng timpalak.
9. Ang pasiya ng mga hurado ay pinal at hindi na mababago.
10. Binabalaan ang magsusumite ng mga tulang plagiarized o kopya sa ibang tula. Hindi na makasasali ulit sa timpalak na ito, maging sa anumang timpalak ng LIRA, ang sinumang mahuhúli at mapatutunayang nagplahiya o nangopya ng gawa ng iba.
11. Ang mga magwawaging lahok ay ilalathala sa souvenir program at mga antolohiyang kaugnay ng Premyong LIRA.
Ang mga mapapanalunan ng mga magwawagi:
Unang Gantimpala – P15,000
Ikalawang Gantimpala – P9,000
Ikatlong Gantimpala – P6,000
Narito ang link kung saan ipapasa ang iyong akda: ang link na ito: bit.ly/PremyongLIRA2024
Ang PREMYONG LIRA ay taunang timpalak ng LIRA na naglalayong bigyan ng pagkakataon ang mga makata sa wikang Filipino na maipamalas ang kanilang galing sa pagtula at mabigyan sila ng pagkilala at parangal. Layon din nitong itaguyod at paunlarin pa ang panulaang Filipino. Ang unang Timpalak LIRA ay noong 2021.


