Mga Makatang LIRA, Nagpugay kina Lamberto Antonio at Marne Kilates

Naging pagpupugay sa dalawang makatang sumakabilang-buhay noong Hulyo ang ginanap na LIRAhan noong Hulyo 28, 2024 sa Masukal Bistro, Lungsod Quezon.

Tampok sa pagtitipong tinawag na “Hagkis at Kilatis” ang pagtatanghal ng mga tula nina Lamberto E. Antonio at Marne Kilates. Ang mga makatang nagtanghal ay sina Imma Lopez, Jopie Sanchez, Tala Tanigue, Mike Coroza, rr Cagalingan, Steven Claude Tubo, Ronel Osias, Mikael Gallego, Genesis Historillo at Stanley Gullab. Kasama rin sa nagtanghal ang anak at mga apo ni Antonio.

Pumanaw si Antonio noong Hulyo 6, habang si Kilates naman ay noong Hulyo 20.