Pararangalan ang limang guro at limang mag-aaral ng Quezon City para sa kanilang nagwaging tula sa Timpalak KaraTula. Mula sa higit 300 na tula, pinili ang sampung pinakamahuhusay na tula ng mga hurado na sina Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario, Dr. Joey Tabula, at Karl Ivan Orit. Narito ang mga nagwagi:
Kategorya – Guro
- Posisyon, Cecile C. Blancaflor (Judge Feliciano Belmonte Sr. High School)
- Kabiyak, Mark Alfred A. Eroles (E. Rodriguez Jr. High School)
- Aliping Guro, Venus Orpilla Bea (North Fairview High School)
- Kalasag, Arlene T. Cunanan (Carlos P. Garcia High School)
- Lungsod Quezon, Scarlet Tadifa (Ernesto Rondon High School)
Kategorya – Mag-aaral
- Dagabdab, Sofiah Miel T. Cortezo (Judge Feliciano Belmonte Sr. High School)
- Berde, Norshainah Y. Macarik (Ernesto Rondon High School)
- Tindig, Sophia Karyle R. Capaque (Lagro High School)
- Siyudad ng mga Bituin, Ralph Edward G. Apolonio (Lagro High School)
- Yaman, John Karl E. Agnes (Maligaya High School)
Tatanggap ng mga aklat ng tula at sertipiko ang mga nagwagi sa pagdiriwang ng Pambansang Araw ng Pagtula sa ika-22 ng Nobyembre 2024 sa kabubukas na QC M.I.C.E Center.
Ang Timpalak KaraTula ay isa sa mga proyekto sa programang Lungsod-Tula ng LIRA, Quezon City, School Division Office-QC, at San Anselmo Publications Inc. Ang mga magwawaging lahok ay ilalathala bilang karatula o poster sa mga pampublikong lugar sa Lungsod Quezon. Ang Timpalak KaraTula, kasama ng PEP at Patikim Zines, ay ilan lamang sa mga proyekto ng programang Lungsod Tula.
Ang LIRA ang nangungunang samahan ng mga makatang nagsusulat sa Filipino at nakabase sa Quezon City. Itinatag noong 1985 ni Almario, nagsilbi itong matagumpay na linangan ng di-iilang batikang makata. Noong 2011, kinilala ang LIRA bilang isa sa Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) para sa mga gawain ng paglilingkod sa ngalan ng tula ng mga makatang-boluntaryo nito.

