Marubdob na pag-aalay ng mga taludtod sa mga tao at taon…
Sa henerasyong linggo-linggong nagtu-tweet ng panlulumo sa pagdating ng panibago na namang Lunes na mahirap bunuin, nagkakaroon ng panibago ring saysay ang pagbabalik ng aklat na ito ni Pichay sa atin. Gusto kong sabihin na tungkol ito sa mga tag-araw at kabataan, sa mga tag-ulan at di-nauunawaan, tulad ng unang linya ng tula na “parati kong ikinamamatay” — dahil “hindi ko makita ang kanilang hinihila,” o “puwedeng pagnilayan buong araw.” O na tungkol ito sa kahulugan ng paglaki at pagkalalaki, tungkol sa katawan na pinagmamasdan nang may lihim at lagim ng pagnanasa, tungkol sa mga pananalig na nililigalig ng kilig at hilig. Subalit mas gusto kong basahin ito bilang marubdob na pag-aalay ng mga taludtod sa mga tao at taon na bukal ng lugod at takot na humuhubog sa mga mukha ng ating pag-irog sa harap ng mga mahirap bunuin kapag wala ang ibig nating kapiling.
Edgar Calabia Samar
Librong LIRA
Tunghayan ang iba pa naming mga libro.

