Author: lirapubcom
-

LUNSAD-AKLAT SA LIRAHAN: Lugaw ni Leni, Pink Parol, KKK, Kakampink, Atbp.
I-click lamang po ang FB icon sa post upang makapunta sa orihinal na FB page.
-

Lunsad-Aklat sa Lirahan sa Conspi mamayang gabi na!
Hindi nakadalo noong Linggo? Sagot namin kayo! Ngayong Martes, Abril 19, 2022, ay muling ilulunsad sa lingguhang Lirahan ang aklat na “Lugaw ni Leni, Pink Parol, KKK, Kakampink, Atbp.” na pinatnugutan nina Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario, at Aldrin Pentero sa Conspiracy Garden Cafe, mula 6:00 n.g. hanggang 10:00 n.g. Ang iba pang…
-

Paggunita sa ika-123 Anibersaryo ng Kamatayan ni Emilio Jacinto
Ginugunita natin tuwing ika-16 ng Abril ang kamatayan ni Emilio Jacinto, ang patron ng LIRA. Isinilang siya sa Tondo, Maynila noong 15 Disyembre 1875. Umanib siya sa edad na 19 sa Katipunan na itinatag ni Andres Bonifacio, kung saan kinilala siya bilang si Pingkian. Si Jacinto ang sumulat ng Kartilya ng Katipunan, naging tagapayo ni…
-

Mapagpalayang kaarawan, Dr. Joti Tabula!
Ngayong 16 Abril 2022 ang kaarawan ni Dr. Joey Tabula, ang kasalukuyang presidente ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA).
-

-

Paglulunsad ng “100 Pink Poems para kay Leni” sa Gateway
Gaganapin ang paglulunsad ng best-selling poetry book, “100 Pink Poems para kay Leni”, sa Gateway Gallery, Gateway Mall, Araneta City ngayong Sabado, 9 Abril 2022 simula ng 2 n.h. Kasama ang mga tula ng ating mga kaLIRA sa antolohiyang ito na kasalukuyang nasa pang-anim na edisyon na: Rio Alma Romulo P. Baquiran, Jr. Michael M.…
-

-

ANUNSIYO UKOL SA PALIHANG LIRA 2022
Ikinagagalak naming imbitahan ang lahat sa pagbubukas ng Palihang LIRA ngayong taong 2022! Isasagawa ang Palihan sa ilalim ng mga sumusunod na panuto: 1. Magiging online ang palihan, at gaganapin ito bawat Sabado mula Hunyo hanggang Disyembre 2022. 2. Bubuksan ang palihan sa mga tumutula sa Filipino mula sa iba’t ibang bahagi ng Filipinas at…
-

-

LIRAHAN: Ako ang Daigdig
Nitong 10 Marso 2022 ang ika-116 na kaarawan ni Alejandro G. Abadilla, ang kinikilalang “Ama ng Makabagong Tulang Tagalog.” Gunitain natin si AGA. Baunin ang ating makabagong tula at magkita-kita sa Conspiracy Garden Cafe sa 29 Marso 2022, 5 hanggang 9 ng gabi. Kitakits!
