Batch 2011

Dakila Cutab

Si Dakila Cutab ay isang nokturnal na makata, construction worker, at minsan ay tindero sa isang eco-store sa Maginhawa Street. Kasapi ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), at isa sa pasimuno ng The Makatàs, isang grupo ng mga makatang naglalayong ipagpatuloy ang tradisyon ng Balagtasan. Taong 2017 nang inilabas niya ang kanyang unang koleksyon ng sex video, este… tula na may pamagat na ‘Puro Forma at Konting Landi.’

Siya ay ikinasal na sa kanyang ex-girlfriend bago mag-lockdown noong 2020.

Christa dela Cruz

Si Christa I. De La Cruz, tubong Parañaque at naninirahan sa Mandaluyong, ay kasalukuyang section editor ng Spot.PH. Siya ay nagtapos ng Sertipiko sa Malikhaing Pagsulat sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas noong 2017, at ng Bachelor of Arts Major in Communication Arts sa Philippine Women’s University noong Hulyo 2021. Naging writing fellow siya para sa tula, dula, at dulang pampelikula sa iba’t ibang palihan sa bansa. Ang kanyang koleksiyong “Mula sa Silong” ay nagkamit ng unang gantimpala sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature noong 2015.

Paul Castillo

Kriscelle Largo Labor