
Batch Bingit – 2009:
Mariane Abuan
Teofilo Catanyag
Perfecto Edilo
Noel Fortun
Deborah Nieto
Willester Robles
Renato Santillan
Natalie Sepe
Ryan Tanauan

Lee G. Sepe
Ang pagkahaling ni Lee Sepe sa pagsusulat ay mula pa sa pagkabata. Nakapaglathala na siya ng tatlong aklat, nakasama sa ilang mga antolohiya, at patuloy lang sa pagkatha. Isa sa Batch Aranya ng LIRA at konsultant sa isang ad agency, naniniwala si Lee na malamang ay papawi siyang sumusulat.

Rommel Chester G. Boquiren
Diwatang mahilig mag-gantsilyo, magpinta, magsulat, at maglaro ng computer games. Guro na namamahagi ng kaalaman tungkol sa masining na pagsulat at panitikan. Nakapagtapos ng Master of Arts in Creative Writing sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Renato Santillan
Kabilang si Renato Santillan sa batch Aranya. Masigasig na nagsusulat ng mga akdang Pangasinan sa kanilang pala Wigan. Sa kasalukuyan abala siya sa pamamala ng pampublikong paaralan sa Dagupan

Louie Jon Sanchez
Makata, kritiko, guro, at tagasalin si Louie Jon A. Sánchez. Assistant Professor ng Ingles sa School of Humanities, Loyola Schools, Ateneo de Manila University. Awtor ng mga aklat ng tula—At Sa Tahanan ng Alabok (2010), Kung Saan sa Katawan (2013), at Siwang sa Pinto ng Tabernakulo (2020); aklat ng sanaysay na Pagkahaba-haba Man ng Prusisyon (2015); at mga aklat ng kritisismo—Aralín at Siyasat: Pagninilay Hinggil sa Tula (2018), Abangán: Mga Pambungad na Resepsiyon sa Kultura ng Teleserye (paparating), at Ang Drama ng Ating Búhay: Isang Kasaysayang Kultural ng Teleserye (paparating). Kasapi ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), at naglilingkod sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL).
