
Batch Gamlay – 2012:
Noel Clemente
JP Anthony Cuñada
John Marc Estoque
Ralph Lorenz Fonte
Joel Donato Jacob
Alyssa Manalo
Socorro Orlina
Aldrin Pentero

Aldrin Pentero
Si Aldrin Pentero ay nagsilbing pangulo ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), ang pinakamatandang organisasyon ng mga makatang nagsusulat sa Filipino mula 2015-2021. Siya rin ay opisyal ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL). Naging fellow siya ng IYAS at Iligan National Writers Workshop. Ang mga tula niya ay lumabas na sa Liwayway Magazine, Philippines Graphic, Agung ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), at ANI ng Cultural Center of the Philippines (CCP). Itinanghal siyang Makata ng Taon ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong 2017. Kinatawan niya ang Filipinas sa Young Writers Forum na bahagi ng The First Forum of Asian Writers na ginanap sa Nur Sultan, Kazakhstan noong 2019.

Ralph Fonte
Manunulat at manggagamot na tubong-Maynila si Ralph Fonte. Lumitaw na sa iba’t iba’t ibang lathalain tulad ng Cha: An Asian Literary Journal, Voice&Verse Poetry Magazine, Cordite Poetry Review, TOMAS, at LIKHAAN ang kaniyang mga sulatin. Naparangalan na rin ang kaniyang mga tula sa ilang patimpalak gaya ng Gawad Carlos Palanca at Gawad Maningning Miclat. Siya ang isa sa mga tinig ng Ang Sabi Nila Radyo at ang Patnugot ng Tula sa Filipino ng Ilahas, isang pampanitikang peryodiko sa internet. Naglilingkod siya ngayon bilang doktor sa Palawan. Madalas siyang dalawin ng mga bayawak.

Noel Clemente
