Category: LIRA
-
Mga Fellows ng Palihang LIRA 2023
Pagbatì sa 24 na fellows ng Palihang LIRA 2023!
-
Pagbati sa ating mga ka-LIRA!
Sina Rommel Bonus at Ralph Fonte ay natanggap bilang fellows sa ika-62 UP National Writers Workshop. Fellow para sa categoryang Nobela si Rommel, habang fellow naman sa Tula si Ralph.
-
Ang Tulang “Utos ng Upos” ni Agatha Buensalida
Sa ikatlong bahagi ng serye ng mga bidyo ng mga Makatang Lila, babasahin ni Agatha Buensalida ang tulang “Utos ng Upos”. Mababasa ito sa Ikalawang Lila, antolohiya ng mga tula ng babaeng makata ng LIRA. Nakatira sa Santa Maria, Bulacan, si Agatha Buensalida ay isa sa mga kasapi ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA).…
-
Lila: ikalawang Aklat ng mga Tula mula sa mga babaeng kasapi ng LIRA
Nais naming imbitahan ang lahat sa paglulunsad ng Lila: ikalawang Aklat ng mga Tula mula sa mga babaeng kasapi ng LIRA. Gaganapin ang lunsad-aklat sa Marso 31, Biyernes, 2-4nh sa Tanghalang Ignacio Gimenez bilang bahagi ng Performatura Festival 2023. Ang proyektong ito ay kolaborasyon ng LIRA kasama ang SPARK Philippines o Samahan ng mga Pilipina…
-
Abangan ang mga tula ni Agatha Buensalida sa Lunsad-Aklat ng Ikalawang Lila
Mababasa ang kabuoan ng tulang “Mga Anino sa Gubat” sa zine na “Babae sa Babae” ni Agatha Buensalida. Abangan ang Lunsad-Aklat sa Marso 31! Nakatira sa Santa Maria, Bulacan, si Agatha Buensalida ay isa sa mga kasapi ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA). Naging writing fellow siya sa LIRA Poetry Clinic, UST National…
-
Pagbasa ng KaLIRAng Marites R. Rogado sa kanyang tulang “Sestina ng Pluma ni Leona Florentino”
Sa paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Tula kasabay ng Buwan ng Kababaihan, inanyayahan ng UNESCO National Commission of the Philippines (UNACOM), sa pakikipagtulungan ng Department of Foreign Affairs, Republic of the Philippines (DFA) – Office for Public Diplomacy and Culture (OPCD) at Provincial Government of Pangasinan ang LIRA upang magtanghal sa kanilang programang “Legacy and…
-
Pagbasa ni Natali Pardo-Labang ng kanyang tulang “Hindi Lahat ng Lumilisan ay Nawawala”
Sa ikalawang bahagi ng serye ng mga bidyo ng mga Makatang Lila, babasahin ni Natali Pardo-Labang ang tulang “Hindi Lahat ng Lumilisan ay Nawawala”. Mababasa ito sa Ikalawang Lila, antolohiya ng mga tula ng babaeng makata ng LIRA at sa kanyang zine na “Halaga”. Si Natalie Pardo-Labang ay tubong Camarines Norte. Nagtapos siya ng Communication Arts…
-
Pagbati sa ating mga ka-LIRA!
Si Ags Buensalida ay natanggap bilang fellow sa ika-22 IYAS La Salle National Writers’ Workshop, habang si Richell Isaiah Flores ay fellow naman ng ika-28 na Ateneo HEIGHTS Writers’ Workshop. Ipinagmamalaki namin ang inyong tagumpay at husay sa pagsulat.
-
Ang Kababaihan sa Panahon ng Krisis
Bilang bahagi ng pagdiriwang ngayong Pambansang Buwan ng Kababaihan, inihahandog ng LIRA ang isang talakayan at pagtatanghal ng mga tula sa Asian Institute of Management ngayong Marso 17. Magtatanghal ng mga tula ang ilan sa mga bagong kasapi ng LIRA na sina Niccolo Rocamora Vitug, Kyla Marcellana, at Layon. Habang tatalakayin ni Abner Dormiendo kung…
-
Happy Birthday, Sir Rio!
Maligayang bati kay Sir Virgilio Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan, tagapayo at tagapagtatag ng LIRA. Hiling po namin para sa inyo ang mas malusog at masaganang búhay!