Category: Uncategorized
-
“Ang Nalalabi Rito” Inilunsad sa Lirahan
Matagumpay na inilunsad noong ika-27 ng Abril, 2024 ang aklat na “Ang Nalalabi Rito” sa ginanap na buwanang pagtitipong Lirahan sa Masukal Bistro, Lungsod Quezon.
-
Mga Bagong Kasapi, Nanumpa sa LIRA
Nanumpa ang mga bagong kasapi ng LIRA sa pagtitipong ginanap noong ika-22 ng Marso, 2024 sa Sinauna Restobar, Lungsod ng Quezon.
-
Taunang Pulong at Lirahan, itinampok ng LIRA sa Quezon City
Dalawang mahalagang aktibidad ng Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA) ang ginanap sa Lungsod Quezon noong ika-17 ng Pebrero, 2024.
-
Handog Aklat inilunsad sa QC
Pinangunahan ni Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Virgilio S. Almario ang pagbibigay ng mga donasyong libro noong ika-14 ng Pebrero, 2024. Tampok sa mga ito ang bago niyang koleksiyon ng mga tulang pinamagatang “Lemlunay: Pagunita sa Gunita.”
-
Crash Course sa Sukat, Tugma, at Caesura, handog ng LIRA sa Pasinaya 2024
Isang crash course sa pagtula na may sukat, tugma, at caesura ang pinangunahan ng Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA) sa Pasinaya 2024 ng Cultural Center of the Philippines, 3 Pebrero, 2024.
-
9 Makata Pinarangalan sa Premyong LIRA at Gawad Jacinto-LIRA
Sa ika-38 anibersaryo ng Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA), Inc. at ika-148 kaarawan ng bayaning Emilio Jacinto, pinarangalan ang apat na nagwagi sa Ikatlong Premyong LIRA at limang natatanging makata-boluntaryo ng organisasyon sa ‘DIWANG’ nitong 15 Disyembre 2023 sa University Hotel, Diliman, Lungsod Quezon.
-
Batch Habol, nagtapós sa Palihang LIRA
Ginanap noong ika-8 ng Disyembre sa Sagul Food Park, Quezon City ang pagtatapós ng Palihang LIRA ngayong 2023 para sa Batch 38 ng taunang palihan. Inilunsad din sa naturang pagtitipon ang “Habol: Hubog at Hulagway,” ang aklat na binuo ng mga nagsipagtapos. Labing-anim na fellows, na tinaguriang “Batch Habol,” ang nagtapós sa anim na buwang…
-
Finalists sa Premyong LIRA 2023, kinilala na
Apat na mga makata ang kinilala bilang finalists sa taunang Premyong LIRA, sina Redwin Dob, Miguel Paolo Celestial, Enriko Caramat at Ralph Lorenz Fonte.
-
“Lemlunay” ni Rio Alma, Inilunsad
Inilunsad noong ika-2 ng Disyembre, 2023 ang aklat na “Lemlunay: Pagunita sa Gunita/Reminder for Memory,” ang bagong antolohiya ng tula ni Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Virgilio S. Almario (Rio Alma) na may salin sa Ingles ni Marne L. Kilates. Idinaos ito sa Gimenez Gallery, UP Diliman, Lungsod Quezon.
-
Dalawang Librong LIRA, inilunsad sa DLSU
Inilunsad noong ika-1 ng Disyembre ang “Ang Aming Lungkot ay Amin” ni Mesándel Virtusio Arguelles at “Sa Antipolo pa rin ang Antipolo” ni Abner Dormiendo na idinaos sa De La Salle University.