Category: Uncategorized
-

Batch Habol, nagtapós sa Palihang LIRA
Ginanap noong ika-8 ng Disyembre sa Sagul Food Park, Quezon City ang pagtatapós ng Palihang LIRA ngayong 2023 para sa Batch 38 ng taunang palihan. Inilunsad din sa naturang pagtitipon ang “Habol: Hubog at Hulagway,” ang aklat na binuo ng mga nagsipagtapos. Labing-anim na fellows, na tinaguriang “Batch Habol,” ang nagtapós sa anim na buwang…
-

Finalists sa Premyong LIRA 2023, kinilala na
Apat na mga makata ang kinilala bilang finalists sa taunang Premyong LIRA, sina Redwin Dob, Miguel Paolo Celestial, Enriko Caramat at Ralph Lorenz Fonte.
-

“Lemlunay” ni Rio Alma, Inilunsad
Inilunsad noong ika-2 ng Disyembre, 2023 ang aklat na “Lemlunay: Pagunita sa Gunita/Reminder for Memory,” ang bagong antolohiya ng tula ni Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Virgilio S. Almario (Rio Alma) na may salin sa Ingles ni Marne L. Kilates. Idinaos ito sa Gimenez Gallery, UP Diliman, Lungsod Quezon.
-

Dalawang Librong LIRA, inilunsad sa DLSU
Inilunsad noong ika-1 ng Disyembre ang “Ang Aming Lungkot ay Amin” ni Mesándel Virtusio Arguelles at “Sa Antipolo pa rin ang Antipolo” ni Abner Dormiendo na idinaos sa De La Salle University.
-
Unang Kongreso LIRA
Noong Oktubre 19, isinagawa ng LIRA ang una nitong kongreso na may temang “Pagtula at Pambansang Gunita.” Bahagi ng programa ang dalawang susing panayam at limang talakayan sa mga espesipikong paksa sa imahen o talinghaga, anyo, retorika, wika, at teknolohiya. Tampok sa Kongreso ang iba’t ibang mahuhusay na makata, guro, at iskolar ng tula. Katuwang…
-

Mga Makatang LIRA, Wagi sa Gawad SWF
Apat na mga makatang kasapi ng Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA) tumanggap ng parangal sa Gawad SWF na ginanap noon ika-30 ng Agosto, 2023 sa Asian Institute of Tourism sa University of the Philippines – Diliman.
-

Panayam ni NA Almario, tampok sa unang araw ng Palihang LIRA
“Lahat ng mga makata, manunulat, alagad ng sining ay dapat nating hamunin para iugnay ang kanilang sariling haraya para sa kapakanan ng bansa.” Ito ang isa sa mga hámon na iniwan ni Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining (National Artist), sa kanyang panayam noong ika-17 ng Hunyo, 2023 na pinamagatang Reklamasyon, Rekuperasyon, at Rekonstruksiyon…
