
Alpine Christopher Patio Moldez
Batch Dinig/2021
Mula sa Pasay City
Si Alpine Moldez ay nagtapos ng kursong AB Communication Arts sa University of Santo Tomas at kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang marketing specialist sa Taguig. Dati siya manunulat ng pahayagang The Varsitarian para sa seksiyong Literary at Filipino. Kamakailan ay naging bahagi siya ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) at nailathala sa mga journal tulad ng Sahaya (SWF-UPD), Agos (SWF-UPD), at Kawíng (PSLLF). Makipaghuntahan sa kaniya sa jobs.alpinemoldez@gmail.com.
Gunitâ
Isúlat mo'ng áting dánas:
buklód ng dáti't ng búkas.
Yáman ng diwàng matíkas,
káhit sa'ng wikà'y matálas.
Siréna
Pagtilî mo'y hudyát ng kukúning ka'wán
na ang kalagáyan ay hindî ko alám.
'Pag ika'y maliít, buháy ang dadatnán.
'Pag malakí namán, tiyák na alangán.
Álab
Pag-íbig ang magálit
búnga ng katuwíran.
Matuwíd na pag-íbig
ang gálit nitóng báyan.
