Title: Arawán
Author: Christian Ray Pilares
Publication Year: 2023
Language: Filipino
Format: Print/Paperback
Pages: 52
Size: 14.61 x 20.32 cm
Selling Price: PhP350.00

Nakahihiwa ang diwa…
Isang paglalarawan ang Arawán ni C.R. Pagdanganan Pilares ng mga karaniwang hindi dapat makasanayan. Parikalang payak ang wika, nakahihiwa ang diwa. Laging napapanahon ang ganitong pagtula sa bansa na sa kung anong sumpa ay lagi’t lagi pa ring dusta ang maralita at namumunini ang mga tiwali sa mga institusyong dapat na magsulong ng katwirang hindi ayon lámang sa iilang mapanlinlang at gahamang mapanlamáng.
Michael M. Coroza
Ang panganay na aklat ni Christian Ray Pilares ay awit sa prekaryedad ng araw-araw at arawang pag-iral. Ang búhay, para sa makata, ay isang estado ng walang-hanggang pagkapagal at pagkalagot ng hininga, ngunit mula sa dusta at lunos ay maaari pa ring humugot ng tinig ang mga manggagawa sa konstruksiyon, kawani sa pabrika, drayber at pahinante ng trak, janitor sa opisina, tabahante sa department store, magsasaka, call center agent. Ang panulaan sa aklat na ito ay masusi, matapat, at masisteng pagtuklas sa koro ng paggawa, na sa kumpas ng makata ay humihimig ng pakikinig, pakikipagkapitbisig, at pag-usig. Sa wakas, nagiging tula ang paggawa, ang paggawa’y nagiging pagtula. At nagugunita nating muli mula sa pagkaskas ng palà sa buhangin, sa ugong ng asembli layn, sa hagibis ng deliberi, sa lamig ng tanggapan o shopping mall, sa tilamsik ng banlik, sa madaling-araw na sabáyang tikatik ng keybord, ang mismong pagiging likha ng salita at talinghaga. Mahusay ang gawa ni Pilares, at talagang napakatalas.
Louie Jon A. Sánchez
We’ve worked with some of the best companies.
Librong LIRA
Tunghayan ang iba pa naming mga libro.
