Lungsod-lungsuran

Title: Lungsod-lungsuran
Author: Louise O. Lopez
Publication Year: 2020
Language: Filipino
Format: Print/Paperback
Pages: 70
Size: 12.8 x 20.6 cm
Selling Price: PhP250.00

Pulso ng kasalukuyang panahon…

Walang paglulupasay ng damdamin sa koleksiyong ito, bagama’t parang nasa pinto lamang, hinding-hindi pinagbubuksan. May mga sandaling nagbabanta na itong umalpas para baguhin ang kamada ng mga linya. Pero hanggang sa dulo ay narendahan ito ng makata. Sapat nang sumilip ang lungkot o hinagpis sa isang salita o mahaba na ang parila. Nahuhubog kung ganoon ang liriko sa sariling pagnanais at palo. Mangyari ay lumiliko sa mga eskinita ng imahinasyon na ang makata lamang ang makakaisip galugarin: Wala doong buwan, bituin, o kahit bombilya man lang sa poste na magbibigay ng sinag kundi tanging sariling mga mata na nagniningning sa kaniya sa salamin.

Joey Baquiran

Itinutula nito ang pulso ng kasalukuyang panahon: ang higit na walang-katiyakan kaya ang pamagat, dahil panaginip ang makarating saan dito, walang dahilan liban sa pag-iral, at ang marami pang maging, maaari, hindi ba. Ambivalence as opposed to earnestness. Playfulness kapuwa sa lengguwahe at anyo. May pamilyaridad man ang anyo sa estilo ng pagtula ngayon ng mga milenyal, may sarili itong boses dahil gagap ang wika at may sinseridad sa laman–hindi lang basta nagpapakitang-gilas o lutang. Lumalampas sa personal maging ang mga domestikong piyesa.

Genevieve L. Asenjo

Librong LIRA

Tunghayan ang iba pa naming mga libro.