Moonlight

Title: Moonlight
Author: Aldrin Pentero
Publication Year: 2024
Language: Filipino
Format: Print/Paperback
Pages: 52
Size: 14.61 x 20.32 cm
Selling Price: PhP395.00

Hindi mo basta mabibitawan ang librong ito…

Dahil sa pamagat, binasa ko itong kalipunan ng mga tula sa lente ni Chiron sa 2016 na sine. Nandoon ang distansiya ni Pentero habang hinahalughug niya ang lungsod lalo na kung gabi. Nandoon ang gilas at tikas ng salita pero nandoon din ang pagpipigil ng sarili na sumali sa dagitab ng dilim, tulad ng sumbat niya sa drayber sa unang tula, “Pang-ilaw kasi iyan sa limanlibong bangkay.” Mga karakter niya’y mga karakter sa mga ukit na Goya na nagtatanong: “Ano’ng mangyayari pag kami’y naubos?/ Matutubos na ba ang lahat ng buháy?/ Kinakatay kaming parang mga hayop./ Sa bayang sinawi, sino ba ang salot?” Habang binabagtas ang mga tula, ang Chiron na bata ay nagiging Chiron sa Greek mythology na naghihilom imbes na mangsugat sa kanyang mga taludtod. At sa huling parte ng Moonlighting, si Pentero ay naging si Charon, ang boatman ng Ilog Styx. Pero dito hinahatid isa-isa ni Pentero ang mga batang pinatay sa digmaang tokhang. Dapat gawing canon ito sa Duterte studies. Hindi mo basta mabibitawan ang librong ito, gusto mo itong ipako sa mga pintuan para iadya ang pagpasok ng mga masasamang kaluluwa.

Frank Cimatu, Makata at Mamamahayag

Librong LIRA

Tunghayan ang iba pa naming mga libro.