Title: Sa Antipolo pa rin ang Antipolo
Author: Abner Dormiendo
Publication Year: 2023
Language: Filipino
Format: Print/Paperback
Pages: 72
Size: 14.61 x 20.32 cm
Selling Price: PhP350.00

Kung ang mundo ay Antipolo…
“Ang totoo, mahal kita / sa paraang pati ako’y natatakot.” Subalit kapag naikumpisal na ang pinakatapat bilang pinakalantay, ano nga ba ang maaaring kasunod pa? Ang inihahain ng aklat na ito ay isang pagbiyak sa kinagisnang mundo, na pagbabago sa lahat ng bagay Antipolo: ang mga kawad ay nagiging buhok, na nagiging landas patungong dibdib, kung saan ang madaratnan marahil ay isang makopa sa halip na puso. Kung kaya sabihin mang mananatiling “sa Antipolo pa rin ang Antipolo… [at] habang buhay na tayo nandito,” ano ang maipangangamba sa makatang tulad ni Abner Dormiendo, na nakaaalam sa hiwagang maidudulot ng tula: “Kung ang mundo ay Antipolo, / gumawa ng bagong Antipolo.” Sa gayon, sampu ng kasukalan dito, maaari din lamang muling “may panibagong punong tumayog sa siyudad ng iyong puso, at kung aakyatin mo ito, tanaw mo ang isang mundong ngayon mo lang nakita.” Sa mga tula ni Dormiendo, habambuhay nang panibago ang mundo.
Christian Jil Benitez
Ipinaalala sa atin ng mga tula ni Abner Dormiendo ang kapangyarihan ng liriko: bawat taludtod, daliring nangangalabit; ipinaalala sa atin na isa akong ako, isa ring ikaw, nagnanasa, nalilibugan, nagdedeliryo, umiibig, sinusubok na mabuhay sa paraang kaibig-ibig, nabibigo paminsan-minsan, at sa harap ng lahat ng ito, nagtatangkang umapuhap at magsawika ng sari-sariling katotohanan. “Heto ang sining ng lahat ng pagkawalay,” wika ng makata, at alam nating higit pa sa mga anino o pinto ng Antipolo ang kanyang tinutukoy. Heto ang sining— heto tayong kayang yanigin ng isang bago at malalim na tinig. Hindi ko alam kung may layunin ang tula, pero kung meron man, baka ito na nga iyon: Mas naging tao ako matapos mabasa ang mga tula ni Dormiendo.
Mikael de Lara Co
Tagasalin
We’ve worked with some of the best companies.
Librong LIRA
Tunghayan ang iba pa naming mga libro.
