Title: Sa Ilalim ng Pilik
Author: Charles Bonoan Tuvilla
Publication Year: 2015 (1st Ed.)
Language: Filipino
Format: Print/Paperback
Pages: 44
Size: 20.3 x 20.3 cm
Selling Price: Out of Print

Walang madaling paliwanag sa pagkuyom ng dibdib…
Sa mga tula ni Tuvilla, waring hindi mapalagay ang mga metapora dahil nagsasa-laman; hindi mapakali ang mga literal dahil nagsasa-kaluluwa, sa walang patumanggang pagbubukas at pagsasalikop ng mga punto de bista at lunan ng ideya, na walang iniwan sa arkitektura ng mga manikang babushka ng Russia. Sa pagbasa ng kaniyang mga tula, walang magagawa ang katawan at isip ng mambabasa kung hindi ang buong tiwala at paulit-ulit na pagpapatianod.
Alvin Yapan
Sino nga pala ‘yung nagsabing nasa diwa ng tula ang pagpalag sa katiyakan? Sa koleksiyong ito ni Charles Bonoan Tuvilla, dumudulas ang dalumat, naglalangib nang parang “barkong nakalubog sa ating puso,” naaaninag at naglalaho, lumulutang, nagdurugo. “Nakarating na ba sa iyo ang lumang kuwento tungkol sa pagpapalit-tahanan ng dila at puso?” tanong ng makata, at nadarama nating totoong tanong ito; nais niya talagang malaman, at nais niya tayong sabayang diinan ang alinlangan. Ayan nga’t itinuturo niya tayo doon, inaakay tungo sa masukal na lupalop ng mga tugon, nagtitiwalang kaya nating maghukay gamit ang sariling mga kamay. Sa madali’t sabi, isa itong paglalakbay, at nagbubukal ang talab sa katotohanang may sari-sarili tayong Sentinela, sari-sariling Baguio, sari-sariling “balikat, katawan, bintana, hanggahan, pinto, pagitan.” May angking pagpapakumbaba ang ganitong uri ng pag-amin. May angking imbitasyon: Walang madaling paliwanag sa pagkuyom ng dibdib, walang iisang bilang “ang dapat tumumba, ang kayang itayo, ang maaaring isalba”— pero halika, samahan mo ako doon, dahil kung may katiyakan man, matatagpuan ito sa pook ng danas; samahan mo ako, kung saan higit sa talinghaga ang paglisan; kung saan maaari nating muling titigan ang sari-sari nating mga luksa.
Jan Mikael de Lara Co
Librong LIRA
Tunghayan ang iba pa naming mga libro.
