Siwang sa Pinto ng Tabernakulo

Title: Siwang sa Pinto ng Tabernakulo
Author: Louie Jon A. Sanchez
Publication Year: 2020
Language: Filipino
Format: Print/Paperback
Pages: 130
Size:
Selling Price: PhP360.00

Nakikilala natin ang puso ng makata…

Nung inabot sa akin ni Louie Jon A. Sánchez ang pdf nitong antolohiya ng kanyang mga tula, nangamba akong baka malunod sa haba at lalim ng lumang Tagalog. Nagkamali ako. Katulad ng isinulat niya sa kanyang tulang “Santa Misa,” na pagmumuni sa paglakad ni Hesus sa tubig: “Ako paláng maydibdib// Ang talagang walang kaalam-alam.// Sa pagtawid ng bigkas sa salamat// Sa Diyos, wari’y himalang naiabot// Sa sariling lunod ang aking kamay. Ako’y Napaahon—….”

Nakaugat ang katagang “antolohiya” sa Griyego: isang bungkos ng bulaklak (Pranses/Ingles, bouquet o nosegay). Sa antolohiyang ito, nakikilala natin, hindi ang titig ng kritiko o ang bibig ng guro, kundi ang puso ng makata. Dumadapo ito sa mga bulaklak na pinagkakaabalahan niya: ang pananampalataya at ang mga minamahal niya sa pamilya. Hinaharap din ang mga tinik at dahong-palay ng masasamang balita na araw-araw na umuusbong sa malungkot nating republika (Bencab). Masinop at maingat ang paglalatag niya sa matulaing eksena. Matalim ang mga larawan. At kapag sinundan natin ang takbo ng kanyang pagmumuni, parang may kasabay tayo sa malungkot at mabatong landas ng pagpapakatao. Kung sa Facebook ito nalathala, pinupugan ko ang mga tula ng puso at kamay na asul.

Ramón C. Sunico

In his new collection, Louie Jon A. Sánchez explores how faith is constructed and performed, illuminating the page with his lyric intensity. His meditative poems reveal not only the divine in the human, but more tellingly, the human in the divine: fallible, flawed, and thus all the more complex. These are hymns and psalms, odes and elegies—devotional songs that celebrate the agonies and ecstasies of commuters, soldiers, domestic workers, men and women on the margins of history and in ordinary time. There is a crack in the door and the poet, in his role as a mystic, invites us to take a closer look at the profound, baffling, and ultimately wondrous mysteries of faith.

Rodrigo Dela Peña Jr.

We’ve worked with some of the best companies.

Librong LIRA

Tunghayan ang iba pa naming mga libro.