
Glenn A. Galon Jr.
Batch Zoombies/2020 at Batch Kalat/2022
Mula sa Caliling, Cauayan, Negros Occidental
Si Glenn Galon (o BON) ay nagtapos ng BSE-Filipino sa Rizal Technological University, Mandaluyong City. Nasungkit niya ang Ikatlong Gantimpala ng Premyong LIRA (2021) para sa nabuo niyang unang koleksiyon ng concrete poem: Hindi Matigas Pero Concrete. Mababasa ang kaniyang mga prosa at/o tula sa Agos: Refereed Journal ng Malikhaing Akdang Pampanitikan TOMO 3 (2023), Kasingkasing Nonrequired Reading in the time of COVID-19: Alternative Digital Poetry Magazine, Issue No. 4 (2020), Sinuman Literary Magazine (UP Writers Club), Santelmo I: Liwanag sa Dilim (San Anselmo Publications, Inc.), Katastropiya (7 Eyes Productions), Quaranzine (Kataga Manila), ATBP. Higit sa lahat, siya ay musa ng sariling kahibangan at kabadingan.
.
Hulao-hulao
May hulao-hulao nga nagtuhaw
Sa madalum nga hunahuna
Sang malapad nga baybay
Nga malinong gapamilo,
Samtang ini nagakanay
Sa masingkal nga adlaw.
Gapaminsar ang adlaw
Kon ano ang nagtuhaw
Nga balatyagon nga gakanay,
Sa gabalud nga hunahuna
Nga mahipid gapamilo
Sa dughan sang baybay.
Ginahuyup sang baybay
Ang paghutik sa adlaw,
Samtang ini gapamilo;
Sang hinali may nagtuhaw
Sa iya nga hunahuna
Nga amat-amat nagakanay.
Mahilway nga gakanay
Ang matin-aw nga baybay,
Sang nagsalum ang hunahuna
Sang masanag nga adlaw.
Sa tubi, may nagtuhaw,
May tayuyon gapamilo.
Wala kapoy gapamilo
Ang paminsaron nga gakanay
Nga sa tunga nagtuhaw
Sa lawas sang baybay,
Sa sanag sang adlaw,
Sa lawud sang hunahuna.
Galagsanay ang hunahuna
Sang hanul nga gapamilo.
Gakaasikan ang adlaw,
Apang nagakanay.
Ginatangla sang baybay
Ang sa babaw nagtuhaw.
Nagatuhaw ang hunahuna
Nga baybay nga gapamilo
Sa gakanay nga adlaw.
Hulao-hulao - solitaryong islang binubuo ng mga patay na korales na matatagpuan sa
Brgy. Caliling, Cauayan, Negros Occidental.
Nailathala noong taong 2023 sa AGOS TOMO III
Pagbibinata
Tumakas ang pawisang tubig sa bibig ng batang binatang
Nagtitinda ng sampagita sa bowl ng agua bendita
Sa loob ng simbahan sa kalagitnaan ng misa—lumabas
Ang kras niyang sakristang may iglap siyang kinindatang
Pilit-ayaw-pahalata. Nahimasmasan siya’t napagtantong
Wala siyang panahon para sa pag-ibig.
Naghilamos siya sa banal na tubig
At naglako muli sa eskinita.
Bilang Bayani
Ini-renew ko na ulit ang iqama't*
Pasaporte sa pag-extend ng kontratang
Maalila sa pasahod na pag-asang
Ihuhulog sa naiwan kong pamilya
Buwan-buwan. Kung posible na isiksik
Ang katawan sa de-kahong pananabik
Ay tatakas ang bagaheng ipiniit:
Ang alalá't alaalang bumabalik
Sa pag-alis ng katulad kong bayaning
Kailangang magpasakop. Imposible
Kung subukan na huminto't mag-impake
Ng na-expire na halaga at sarili
iqama, residence permit para sa mga expat na tumungo sa Saudi Arabia para
magtrabaho, work permit.
Nailathala ang Pagbibinata at Bilang Bayani noong taong 2022 sa Librong Kalat
