Palihang LIRA
Ang Taunang Palihang Pampanulaan ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) ay dinisenyo ni Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario bilang pagsasanay-panulat na nakasandig sa kasaysayang pampanulaan ng Filipinas.
Binubuo ito ng mga kursong tumatalakay sa tradisyonal na pagtulang si Almario mismo ang suminop mula sa kaniyang pananaliksik at tinipon sa marami niyang aklat ng kasaysayang pampanitikan.
Sa Palihang LIRA, sumasabak ang mga kalahok o fellows sa masusing pag-aaral ng tugma at sukat. Binibigyan din ang lahat ng lingguhang takdang-aralin na may kinalaman sa mga kursong tinalakay. Ginaganap ang palihan taon-taon mula Hunyo hanggang Disyembre, kaya’t kilala ito bilang pinakamahabnang tumatakbong palihan na nakatuon lamang sa pagtula at panulaang Filipino.
Ilan sa mga nagtapos ay naiimbitahang maging kasapi ng LIRA, matapos ng masinsinang deliberasyon ng samahan sa huling bahagi ng programa. Ang batayan ng kasapian ay iinog sa: pag-unlad sa loob ng palihan, kahusayan ng mga akdang iniharap sa pagtatapos, at potensyal sa paglilingkod bilang isang makata-boluntaryo.
Direktor ng Palihang LIRA: Abner Dormiendo (2021, 2022), Giancarlo Abrahan (2020), Louie Jon Sanchez (2017, 2018, 2019), Michael M. Coroza (2010, 2011, 2012, 2013, 2014, 2015, 2016)
Katuwang na Direktor ng Palihang LIRA: Ivie Urdas (2021-2022), Abner Dormiendo (2020), Giancarlo Abrahan (2017-2019) Louie Jon Sanchez (2010-2016)
Dating website na eksklusibo para sa Palihang LIRA: https://lirapoetryclinic.wordpress.com/
Sining ng Tugma at Sukat (STS)
Ang Sining ng Tugma at Sukat (STS) ay isang karaban ng pagtuturo sa iba’t ibang panig ng bansa ng tula, panitikan, at pagiging makabayan. Pinasimulan ito sa termino ni Beverly Siy noong 2008 at mula noon higit sa 200 na paaralan at 22 bayan na ang napagsilbihan ng STS.
Librong LIRA
Ang Librong LIRA ang sangay ng LIRA na naglalayong linangin at payamanin ang panitikan at wikang pambansa sa pamamagitan ng paglalathalang nakaukol sa tulâ at pagtulâ. Apat sa mga nalathala ng Librong LIRA (“Agua”, “Sa Ilalim ng Pilik”, “Lungsod-lungsuran”, at “Siwang sa Pinto ng Tabernakulo”) ay naging mga finalist sa National Book Award ng National Book Development Board.
Direktor ng Librong LIRA: Karl Orit (2021-2022), Joey Tabula (2019- Hulyo 2021), Librong LIRA Team (Nanoy Rafael, Ergoe Tino, MJ Tumamac, Gian Carlo Abrahan, 2015-2019)
Premyong LIRA
Timpalak sa tula ng LIRA ang Premyong LIRA na naglalayong magbigay ng pagkakataon sa mga makata sa wikang Filipino na maipamalas ang kanilang galing sa pagtula at mabigyang-pagkilala at parangal ang mga ito. Layon din nitong itaguyod at paunlarin pa ang panulaang Filipino. Ang unang Timpalak LIRA ay noong 2021.
Mga Nagwagi sa Premyong LIRA
2022: “Salaysay ng mga Itinakwil” ni Roy Cagalingan (Unang Gantimpala); “Kartilya ng Katarata” ni John Brixter Tino (Ikalawang Gantimpala); “Basag na Berso ang Uniberso” ni Christian Vallez (Ikatlong Gantimpala); “Pagaspas ng mga Munting Pakpak” ni Jhio Jan Navarro (Karangalang-banggit); “Walang Bintana sa Aming Paraiso” ni Ronaldo Vivo, Jr. (Karangalang-banggit)
2021: Randy Villanueva (Unang Gantimpala); Mikael de Lara Co (Ikalawang Gantimpala); Glenn Galon (Ikatlong Gantimpala); Mirick Paala, Mel Viado, at RB Abiva (Karangalang-banggit)
LIRAhan
Ang LIRAhan ay buwanang pagtatanghal ng tula na bukas sa publiko sa Museo ng Pag-asa. Dati itong tuwing ikatlong Martes ng buwan sa Conspiracy Bar, Visayas Avenue, Lungsod Quezon. ngunit nang nagsara ang Conspiracy Bar, kinupkop ng Museo ng Pag-asa ang LIRAhan simula noong Nob 22, 2022. Pinasimulan ang LIRAhan ng kasaping Vim Nadera noong 2008.
- Nob 20, 2022: Bagong Lunan (unang Lirahan sa Museo ng Pag-asa)
- Ago-Okt 2022: walang Lirahan dahil nagsara ang Conspiracy Bar
- Hul 19, 2022: Lunsad-aklat ng An Apartment in Naga ni Panch Alvarex
- Hun 21, 2022: Lunsad-aklat ng Lunas sa Nabubuong Lubos ni Paul Castillo
- May 17, 2022: Marangal na Pagdiriwang
- Abr 19, 2022: Lunsad-aklat ng Lugaw ni Leni, Pink Parol, KKK, Kakampink, Atbp.
- Apr 30, 2021: Lunsad-aklat ng Silat at Iba pang Sanaysay ni Adelma Salvador
- Set 2020 -Mar 2021: walang Lirahan dahil sa pandemya
- Ago 25 2020: Lunsad-aklat ng Lungsod-lungsuran ni Louise O. Lopez
- Mar-Hul 2020: walang Lirahan dahil sa pandemya
- Peb 26, 2020: Lunsad-aklat ng Happily Ever Ek-ek ni Paulo Manalo
- Peb 18, 2020: Lunsad-aklat ng Ang Lunes ni Nick Pichay
- Ene 21, 2020: Bangon! LIRAhan sa Bagong Dekada: Taal Benefit Gig
- Nob 19, 2019: Mga Guhit sa Muhon
- Set 17, 2019: LILAhan
- Ago 20, 2019: From LIRA, with Love
- Hul 16, 2019: Arkipelago Cirilo
- Hun 18, 2019: Sentenaryo ni Ka Manoling
- May 21, 2019: Gawa Hindi Ngawa
- Abr 16, 2019: Buklugan Na!
- Mar 19, 2019: Ina, Ilog
- Peb 19, 2019: Lunsad-aklat ng Alikwat ni Natalie Pardo Labang at Ilang Bitbit sa Pagsagip sa Sarili ni Rommel Bonus
- Ene 22, 2019: Lunsad-aklat ng Walang Iisang Salita ni Paul Castillo
- Nob 20, 2018: Siklab
- Okt 16, 2018: Bulig
- Set 18, 2018: Di Na Muli
- Ago 21, 2018: Ang Wika Ko, Bagay Tayo (Lunsad-aklat ng Hindi Bagay at Bagay Tayo ni Jerry Gracio)
- Hul 17, 2018: Mangahas (Pagpupugay sa buhay at panulat ni Rogelio G. Mangahas, 1939-2018)
- Hun 19, 2018: Larombata Poetry Rumble (Paglulunsad ng Larombata ni Khavn Dela Cruz)
- May 15, 2018: Corazon: Itanong mo sa Bituin
- Abr 17, 2018: Bigkas Ningas
- Mar 20, 2018: Babae sa Bingit
- Peb 20, 2018: Ibig Sabihin
- Ene 16, 2018: Bago ang Lahat
- Okt 17, 2017: Tawo/Tayo
- Set 19, 2017: Muling Gamlay
- Ago 15, 2017: Walang Buwan
- Hul 18, 2017: Kontrapeke
- Hun 20, 2017: LIRAhan
- May 16, 2017: Lunsad-aklat ng From the Eyes of a Healer ni Joey Tabula
- Abr 18, 2017: Banyuhay!
- Mar 21, 2017: Lunsad-aklat ng Fault Setting ni Joel M. Toledo
- Peb 22, 2017: Kapag Ibig
- Ene 17, 2017: Lunsad-aklat ng Pagkahaba-haba Man ng Prusisyon ni Louie Jon Sanchez
- Nob 22, 2016: Lunsad-aklat ng Alternatibo sa Alternatibong Mundo Edgar Calabia Samar at Troya ni Joselito Delos Reyes
- Okt 18, 2016: Ahon sa Alon
- Set 20, 2016: Lulan ng Ulan
- Ago 16, 2016: Atin ang Buwan (ng Wika)!
- Hul 19, 2016: Pag Amin! (Dahil ATIN ang #WestPHSea)
- Hun 22, 2016: Lantaran
- May 17, 2016: Guni-gunita
- Apr 19, 2016: ALAB | BALA
- Mar 15, 2016: Pag-aabang sa LIRAhan
- Peb 16, 2016: Lirikal na Bagay Kapag Ibig
- Ene 19, 2016: 30
- Nob 17, 2015: Kilatis/Kilates (Lunsad-aklat ng Time’s Enchantment and Other Reflections ni Marne L. Kilates)
- Okt 21, 2015: GILALAS
- Set 26, 2015: XXX: Pagbubunyag
- Set 15, 2015: Seifert
- Ago 18, 2015: Buwan na naman
- Hun 16, 2015: Basa
- Dis 9, 2014: BigKisan at Bigkasan: LIRA Fellows’ Night 2014
- Nob 18, 2014: CORAZON
- Okt 21, 2014: Para sa Pag-Ibig
- Set 16, 2014: Paglulunsad ng Nuno sa Puso ni Bebang Siy
- Hul 15, 2014: Mabini 150 (kanselado dahil sa bagyo)
- Hun 17, 2014: Kabayanihan, Kalayaan, Kasarian
- May 20, 2014: Sino si Janus Silang
- Abr 15, 2014: Init ng Giting
- Mar 18, 2014: Kaka-EBA
- Peb 18, 2014: Lunsad-aklat ng Kung Saan sa Katawan ni Louie Jon Sanchez
- Ene 21, 2014: Sibol
- Dis 3, 2013: LIRA Fellows Night 2013
- Nob 19, 2013: Sugod sa LIRAhan
- Okt 15, 2013: Maningning
- Set 17, 2013: Ani
- Hul 16, 2013: LIRAhan sa Filipinas
- Hun 18, 2013: Rizalirahan
- May 21, 2013: Pistahan sa LIRAhan
- Abr 16, 2013: Baltazar
- Mar 19, 2013: Kaka-EBA
Gawad Jacinto-LIRA
Ang Gawad Jacinto-LIRA ay gawad sa natatanging makata-boluntaryong kasapi ng LIRA na nagpakita ng kahusayan sa pagiging makata at serbisyo sa organisasyon.
Mga Ginawaran:
2022: Ralph Lorenz Fonte (Sining ng Pagtula) at Abner Dormiendo (Serbisyo sa LIRA)
2021: Phillip Kimpo Jr. at Aldrin Pentero
Espesyal na Proyekto
2022
Partisipasyon sa INDIEPUBCON 2.0 (Librong LIRA)
Pambansang Araw ng Pagtula (LIRA x San Anselmo Publishing, NCCA, at UP ICW, Nob 22)
Partisipasyon sa Wordello (LIRA, Set 20)
Partisipasyon sa Manila International Book Fair (Librong LIRA, Set 15-18)
Biyaheng LIRA – Zambales (LIRA x Casa San Miguel, Ago 27-28)
Partisipasyon sa Philippine Book Fair Lipa (Librong LIRA, Ago 5-7)
Sa Bawat Paghinga: 4 episodes (LIRA x Plus Network)
2021
Poetika Pandemya (LIRA x UP Likhaan, Nob 6 – Dis 16): 5 episode ng pagtatanghal at diskurso ng mahahabang tula sa panahon ng pandemya
Partisipasyon sa The Indie Publishers Convention o INDIEPUBCON (Librong LIRA sa TIPC-PH, Nob 19-23) https://theindiepublisherscollabph.com/
Partisipasyon sa Performatura (LIRA x CCP, Nob 22-24)
