Pambansang Edukasyong Pampanitikan (PEP)

Ang Pambansang Edukasyong Pampanitikan (PEP) ay isang karaban ng pagtuturo sa iba’t ibang panig ng bansa ng tula, panitikan, at pagiging makabayan. Layunin ng PEP na paunlarin ang panitikan, wika, pagiging makabayan, at kakayahan sa pagpapahayag sa pamamagitan ng pagtuturo ng katutubong anyo ng panulaang Filipino.

Nagsimula noong 2008, higit ~4000 mga guro at mag-aaral sa higit 300 pampubliko at pampribadong paaralan sa higit 35 bayan sa buong Filipinas na ang naturuan sa ilalim ng proyektong ito. Nakapagsagawa na ng PEP sa Maynila, Cagayan, Pangasinan, Baguio, Ilocos Sur, Tarlac, Zambales, Bulacan, Cavite, Laguna, Camarines Sur, Palawan, Aklan, Leyte, Lanao del Norte, Cebu, South Cotabato, Butuan, at Zamboanga del Norte.

Ang dating pangulo ng LIRA na si Beverly W. Siy ang nagtatag ng proyektong dating tinatawag na “Sining ng Tugma at Sukat” na ngayo’y isa lamang sa iba’t ibang panayam na nakapaloob sa PEP.