Timpalak sa tula ng LIRA ang Premyong LIRA na naglalayong magbigay ng pagkakataon sa mga makata sa wikang Filipino na maipamalas ang kanilang galing sa pagtula at mabigyang-pagkilala at parangal ang mga ito. Layon din nitong itaguyod at paunlarin pa ang panulaang Filipino. Ang unang Timpalak LIRA ay noong 2021.
Mga Nagwagi sa Premyong LIRA
2022: “Salaysay ng mga Itinakwil” ni Roy Cagalingan (Unang Gantimpala); “Kartilya ng Katarata” ni John Brixter Tino (Ikalawang Gantimpala); “Basag na Berso ang Uniberso” ni Christian Vallez (Ikatlong Gantimpala); “Pagaspas ng mga Munting Pakpak” ni Jhio Jan Navarro (Karangalang-banggit); “Walang Bintana sa Aming Paraiso” ni Ronaldo Vivo, Jr. (Karangalang-banggit)
2021: Randy Villanueva (Unang Gantimpala); Mikael de Lara Co (Ikalawang Gantimpala); Glenn Galon (Ikatlong Gantimpala); Mirick Paala, Mel Viado, at RB Abiva (Karangalang-banggit)
