Tungkol sa LIRA

Ang Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) ay samahan ng mga makatang nagsusulat sa Filipino. Itinatag noong 1985 ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario (aka Rio Alma), nagsilbi itong matagumpay na linangan ng di iilang batikang makata, tulad nina Victor Emmanuel Carmelo Nadera, Romulo Baquiran Jr., Michael M. Coroza, Roberto Añonuevo, Rebecca Añonuevo, Jerry Gracio, at Edgar Calabia Samar. 

Ilan sa mga layunin ng LIRA ang palusugin at pagyamanin ang panulaang Filipino sa pamamagitan ng pag-aaral ng tradisyonal at modernistang tula, magbigay ng mga palihan at panayam, mag-organisa ng iba’t ibang okasyong pampanitikan at tumulong sa pagpapalimbag ng mga koleksiyon ng tula ng mga kabataang makata.

Taon-taon, nagdadaos ang LIRA ng palihan at klinikang pampanulaan mula Hunyo hanggang Disyembre. Nagsisilbing tagapanayam at umuupo sa workshop ang mga kilala at premyadong makata at manunulat.

Kasaysayan

Taong 1985, nagkasundo ang siyam na batang makata — sina Rowena Gidal, Edwin Abayon, Dennis Sto. Domingo, Ronaldo Carcamo, Danilo Gonzales, Vim Nadera, Ariel Dim. Borlongan, Romulo Baquiran Jr., at Gerardo Banzon na patuloy na magtagpo kahit natapos at sumailalim na sila sa Rio Alma Poetry Clinic, isang serye ng mga Sabado ng palihan at madugong pagsipat sa mga tula.

Noong 15 Disyembre 1985, sa tanggapan ng ngayo’y Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario, (mas kilala bilang Rio Alma) sa Adarna House, Quezon City, isinilang ang Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA), isang organisasyon ng mga makatang masigasig na nagsusulat sa wikang Filipino.

Maliban kay Rio Alma, matiyagang umantabay sa mga palihan at/o nagbigay ng panayam ang ilan sa pinakamahuhusay na makatang Filipino: Mike Bigornia, Teo Antonio, S.V. Epistola, Alfredo Navarro Salanga, Marne Kilates, Fidel Rillo, Rogelio Mangahas, Joi Barrios, Krip Yuson at marami pang iba.

Bilang patunay ng masaganang pananalinghaga, nakapagpalimbag na ang LIRA ng anim na antolohiya: ang Unang Bagting, Parikala, Ikatlong Bagting, Lirang Pilak, LIRA 30, at Lila: Mga Tula. Marami sa mga kasapi ng LIRA tulad nina Vim Nadera, Jr., Romulo Baquiran, Jr., Michael M. Coroza, Roberto Añonuevo, Rebecca Añonuevo, Soselyn Floresca (SLN), Fr. Arnel S. Vitor, Mesandel Virtusio Arguelles, Maningning Miclat (SLN), Edgar Samar, Joseph Rosmon Tuazon, Jerry Arcega Gracio, Ony Carcamo at Raul Funilas ang mayroon nang sariling koleksiyon ng tula.

Noong 2011, kinilala ito bilang isa sa Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) para sa mga gawain ng paglilingkod sa ngalan ng tula ng mga makatang-boluntaryo nito.

MGA PUNONG TAGAPAYO

Virgilio S. Almario, PhD
Pambansang Alagad ng Sining at Tagapagtatag

Michael M. Coroza, PhD
Romulo Baquiran Jr, PhD
Vim Nadera, PhD
Tagapayo


BOARD OF TRUSTEES AT OFFICERS NG LIRA 2024-2025

Joey A. Tabula, MD
Pangulo

Tala Tanigue
Pangalawang Pangulo

Nicolas Pichay
Kalihim

Abner E. Dormiendo
Ingat-Yaman

Karl Orit
Ugnayang-Pangmadla


Dating Board of Trustees at Opisyal ng LIRA

Peb 2023-Peb 2024: Joey Tabula (P), Tala Tanigue (PP), Jil Danielle Caro (K), Edbert Darwin Casten (IY), Karl Orit (UP)

Ago 2021-Enero 2023: Joey Tabula (P), Mia Francesca Lauengco (PP), Agatha Palencia-Bagares (K), Adelma Salvador (IY), Edbert Darwin Casten (UP)

2019-Hul 2021: Aldrin Pentero (P), Joey Tabula (PP), Ivie Urdas (K), Adelma Salvador (IY), Karl Orit (UP)

2017-2019: Aldrin Pentero (P), Joey Tabula (PP), Roma Estrada (K), Louie Jon Sanchez (IY), Ralph Fonte (UP)

Hul 2015-2017: Aldrin Pentero (P), RR Cagalingan (PP), JP Anthony Cuñada (K), Anna Liza Gaspar (IY), Mia Francesca Lauengco (UP)

2013-Hun 2015: Phillip Yerro Kimpo Jr. (P), Louie Jon Sanchez (PP), RR Cagalingan (K), Kriscell Labor (IY), Christa de la Cruz (UP)

2011-2013: Phillip Yerro Kimpo Jr. (P), Mariane A.R.T. Abuan (PP), Giancarlo Abrahan (K), Deborah Nieto (IY), Louie Jon Sanchez (UP)

2009-2011: Phillip Yerro Kimpo Jr. (P), Francisco Monteseña (PP), Vivian Limpin (K), Enrique Villasis (IY), Mariane A.R.T. Abuan (UP)

2007-2009: Bebang Siy (P), Raul Funillas (PP), Maureen Gaddi dela Cruz (K), Pamela Maranca (IY), Enrique Villasis (UP)

2005-2006: Ronald Atilano (P)

2003-2004: Edgar Calabia Samar (P)

2001-2002: Rebecca Añonuevo (P)

1999-2000: Rhandee Garlitos (P)

1998: John Torralba (P)

1996-1997: Romulo Baquiran Jr. (P)

1995: Roberto Añonuevo (P)

1993-1994: Michael M. Coroza (P)

1992: Gerado Banzon (P)

1988: JST Reyes (P)

1986-1987: Vim Nadera (P)

1985-1986: Dennis Sto. Domingo (P)