LIRA sa Philippine Book Fair sa Lipa

Ilang kasapi ng LIRA tampok sa Philippine Book Fair sa Lipa. Mula sa BDAP FB page ang mga retrato.

Si Pambansang Alagad ng Sining Virgilio Almario ang nagbigay ng keynote sa unang araw ng book fair. Tinalakay niya “ang diksiyonaryo sa Filipino bilang bahagi ng pagmamahal at pagpapahalaga sa wika.”

Sa ikalawang araw ng book fair, nailunsad ang kauna-unahang aklat ng tula ng doktor-makata Ralph Fonte. Inilathala ng Bughaw ng Ateneo Press ang kaniyang koleksiyong “Ang Kartograpiya ng Pagguho.”

Sa huling araw, kasama sa panel ng “Meet the CALABARZON writers” sina Luna Sicat-Cleto at Joel Donato Jacob. Si Joel Donato Jacob ang nagwagi sa 2018 Scholastic Asian Book Awards sa kaniyang nobelang Wing of the Locust.

Kasáma din sa panel ng “Past and Present Revolutions in Cavite Literature” si Karl Orit, ang kasulukuyang direktor ng Librong LIRA.

Nagtanghal din ng mga tula ang kasalukuyang pangulo ng LIRA at makata-doktor Joti Tabula sa lunsad-aklat ng “Harvest Moon” na inilathala ng Milflores Publishing at ICSC. Kabilang si Joti sa mga kontribyutor ng antolohiyang tumutugon sa isyu ng climate crisis.

Nagbigay naman ng panayam hinggil sa at pag-alaala sa mga artista at manggagawang pangkultura ng Batangas ang dáting pangulo ng LIRA Beverly Wico Siy.