Opisyal nang nagbukás ang Palihang LIRA 2026 noong Hunyo 20 sa Quezon City Public Library. Dumalo sa hybrid set-up nitó ang mga kasapi ng LIRA at 29 fellows mula sa iba’t ibang bahagi ng Filipinas.
Pangungunahan mulî ng pangulo ng LIRA, Abner Dormiendo, bilang direktor ang palihan.

Isinagawa rin ang pambungad na lektura na “Reklamasyon, Rekuperasyon, at Rekonstruksiyon ng Pambansang Gunita” ng tagapagtatag at tagapayo ng LIRA, Pambansang Alagad ng Sining Virgilio Almario.
Sa gayong pagpapasinaya sa palihan, aasahan na sasailalim ang mga fellow sa anim na buwang pagtuto, pagbása, at pagsulat upang gampanan ang kanilang pagkamakata upang maibalik ang tula sa pusò ng madla.





